Meron akong bagong mga kaibigan na mula sa isang bansa na itago nalang natin sa pangalang 'bonjour.' Kagabi ay inimbita nila kami sa kanilang tahanan para maghapunan. At doon, sa kanyang lamesa ay nagisnan namin ang isang diksyonaryo na nagsasalit ng mga salitang bonjour sa pilipino na nabili nya sa kanyang bansa.
Ang tawag sa diksyonary ay 'Le tagalog' de poche at sa kover nya ay isang drawing ng, sa tingin nila, ay isang pilipino.
Eto po sya.
Eto po ang ilang sa aking mga katanungan ng nakita ko ang nasabing drawing;
1. Saan ko po kaya naiwan ang aking mga sapatos?
2. Bakit ko suot sa ulo ko ang bowl ni slugger?
3. Pagsinabi kong nakatira ako sa camagong UPS2, ang ibig ko bang sabihin ay ang kalye o ang puno?
4. Mahilig nga ba akong kumain ng saging talaga?
5. Magkano kaya ang binayad sa akin ng disney nang ginampanan ko ang role na abu sa pelikulang aladdin?
************************************************
Eto pa.
Pagkabuklat ko netong maliit at manipis na diksyonary, nakita ko na pinili talaga nilang i-translate ang mga "importanteng" pangungusap na sa tingin nila ay magagamit madalas dito sa atin.
Eto po ang aking top 5 sa translations;
1. Maraming lamok dito!
2. Pwede bang pakipatahimikin mo iyong aso?
3. Pwede bang gawan mo ng paraan ang tungkol sa baho?
4. Pwede bang iharap mo ang iyong baril sa ibang lugar?
at ang aking paborito
5. Pwede bang pakilagyan mo ng orinola sa kuwarto ko?
Dyos ko, ganito ba ang tingin nila sa atin?
******************************************8
At sa ibang dako, kinwento naman sa akin ni carmen na ang argentinian ex nya ay nakabili rin ng isang spanish to tagalog diksyonary na kung saan isa sa mga pangungusap na trinanslate ay;
"pakiayos po ang aking kilay."
HAHAHHAHAHAHAHAHHAHAHAHAHAHAHAHHAHA
3 comments:
Katuwa-tuwa naman ng iyong sanaysay ngayong umaga, kaibigang ettler.
Mawalang galang na po, at sana'y maari din akong magbigay ng iba pang makahulugan at makabuluhan na pangungusap na maaring magamit ng isang dayuhang naninirahan sa ating munting bansa:
1. May sakit ka ba sa puday?
2. Bakit ang dami mong kamag-anak na nangangailangan ng pera?
3. Taga-That's ka ba?
Hindi ko alam kung natatawa ako dahil sobrang naiinis ako o naiinis ako dahil natatawa ako. Pero may panumbat ako sa librong iyan—dalawin ang URL na ito at matawa na lang sa mga Ingles-Pranses na pagsasaling-wika nila:
http://yoyo.cc.monash.edu.au/~mongoose/french/phrases.html. Kasama na dito ang "Would you stop spitting on me while you're talking!" = "Voulez-vous cesser de me cracher dessus pendant que vous parlez!" at ang "I have a frog in my bidet!" = "J'ai une grenouille dans mon bidet!"
Hinay-hinay lamang mga katoto, at huwag tayong agad-agad maging dyudsmental o mapanghusga (na di hamak namang mas madaling bigkasin keysa sa dyudsmental). Malay nyo naman, na sa bansang Argentina, ay malaki ang kanilang pagpapahalaga sa pagpapanatiling ayos at tuwid ang kani-kanilang mga kilay.
Post a Comment