Yan ang sabi ng isa sa mga kliyente namin. Naiintindihan ko na kung bakit.
Maganda ang Hongkong. Okay lang sa akin ang tumira dito kung may magaalok sa akin ng trabaho o kasal. Buhay sya buong araw, buong gabi. Hindi ka magugutom sa masasarap na pagkain kahit barya nalang ang pera mo. Pero sabagay nga naman, times 6 pa rin yon.
Madali ring gumalaw dito. Para makarating mula rito hanggang doon, kinakailangan lang marunong kang magbasa ng mapa at magdesisyon kung ika’y bay mag eh-mtr, bus, tram o ferry. At kailangan ring mabilis kang maglakad. Hindi ko naiintindihan kung bakit laging nagmamadali ang tao dito. Naka escalator na nga lang, tinatakbo pa. Nagmamadaling kumain, nagmamadaling magshopping, nagmamadaling magmaneho, nagmamadaling magbenta.
So naiintindihan ko kung bakit madaling malungkot ang ibang Pilipinong nakatira sa Hongkong. Iniwan nila ang pamilya at kaibigan nila para magtrabaho sa isang lugar na hindi tumitigil gumalaw. Isang lugar na hindi kayang magpahinga para bigyan sila ng oras huminga.
Pero parang gusto ko pa ring tumira dun. Parang kaya ko. Gusto kong mawalan ng oras mag-isip. Gusto ko munang tumigil sa pagiisip at maglakad ng mabilis. Tumakbo kung kinakailangan. Miski naka heels. Hindi kasi masaya ang mga pinagiisip ko ngayong mga panahong eto. Nakakaburat na rin.
No comments:
Post a Comment